amp nakakapagod.. sobrang pagod ako sa duty namin.. PM shift ang duty ko so 3pm-11pm yun hala sobrang hagard eh.. kaawa pa mga patient na na handle ko.. minsan di ko alam pano maging therapeutic sa harap ng patients kung sakin nagsisimula ang drama.. naisip ko nga kung sakali ako ang may hawak ng patient na kung saan may nakalagay sa chart na DNR (do not resuscitate) iniisip ko kung skaling sa time ko natapat na nag hingalo yung patient eh baka ako pa unang mataranta at maiyak.. ayokong makakita ng malungkot na scene eh.. pero walang choice, sa ospital sagana sa ganun.. naalala ko nung duty ako sa ER. naabutan ko sa duty yung matanda na lalaki, 50-50 na sya, nandun yung relatives yung anak saka yung asawa, nakita ko ng irevive sya.. ngkagulo sa ER narinig ko nanaman yung "DR's CART TO EMERGENCY ROOM PLEASE.." pati ikaw matataranta kasi makikita mo yung mga DR na tumatakbo papunta sa patient.. pero time nya na siguro kasi di na kinaya ng mga DR na ibalik yung heartbeat nya.. nakita ko yung reaction ng anak habang palabas ng ER papunta sa mama niya..
mama: ano na?
anak: wala na, sige na dun ka muna sa tabi
mama: (maluha luhang pumunta sa gilid)
kahit wala siyang masyadong sinabi nakita ko sa mukha nya yung lungkot talaga, hindi ko maipaliwanag yung reaction nya, pigil yung luha pero gusto nyang umiyak.. naawa ako, hindi ko alam kung ano yung mga tamang salita para sabihin.. siguro sa mga pagkakataong ganun mas mabuti yung tumahimik..
sabi sakin ng patient ko kahapon, "sigurado pagtapos nyo magaabroad ka na noh?"
ako: naku hindi po.
relative: bakit malaki sweldo dun ha?
ako: naku kahit malaki sweldo mas masarap alagaan ang mga kalahi mo, masarap alagaan ang pilipino..
uhmm. di ko na sasabihin yung mga iba pa namin napag usapan para sa respeto ko sa mga ibang lahi na nagbabasa ng blog ko hehehe peace!! =)
nakakapagod mag duty pero masaya, iba yung saya na naibibigay ng ngiti ng mga patient mo.. at syempre iba yng saya pag may konting pabuya na inabot sayo ahahahaha tulad ng orange, chocolate at iba pang prutas at pagkain na hindi nila pwedeng kainin kaya binibigay nalang sayo.. so far wala pang cash, but im looking forward to that ahahaha..
sa ngayon matutulog muna ako... kailangan ko ng madaming ganun kasi next week Night shift naman ako,, 11 ng gabi until 7 ng umagaduty ko, goodluck! mag babaon ako ng madaming kwento, pagkain at isang jacket para masarap ang tulog sa area hahaha.. :)
iam BERNICE A LATTER DAY SAINT
I ♥ chocolates
I ♥ YOGURT
I ♥ candymix
I ♥ VINTAGE
I ♥ MCDONALDS
I ♥ MUSIC
I ♥ CUTE THINGS
I'm dainty and dirty
I party till dawn
I shoP till dusk I'M A GIRL *LuviN it*. i lurve my ♥LOUIE♥ xOo much there's so much more about me i LovEmy LoUiE*sisiw*vErY mUcH