kung bibigyan ka ng pagkakataon na bumalik sa nakaraan papayag ka?
tanong yan sakin ng kaibigan ko isang araw na wala kaming mapagusapan.. tutal ang tagal ko na din hindi naka pag blog this is my chance to post something hehehe..
ang sagot ko sa tanong?.. OO.. bakit naman hindi? masarap namang balikan ang mga nagdaan na sa yong buhay, sabi nya sakin.. explain further daw.. sabi ko naman.. madami akong gustong balikan.. madami akong gustong maramdaman ulit.. madami akong gustong ayusin na hindi ko nagawa nuon dahil nga walang rewind ang buhay.. kaya bakit ko sasayangin ang pagkakataong magbalik sa nakaraan? madami akong gustong hingan ng tawad.. madami akong gustong patawadin.. madami pero hindi ko nagawa. kinalimutan ko na kasi lahat.. bawat araw para sakin panibagong tao ako madami akong iniiwan sa kahapon.. kaya nga minsan nalulungkot ako dahil hindi ko na sila mabalikan pag naiwan ko na.. kung makakabalik kaya ako sa nakaraan magbabago kaya ang ngayon? hindi ko alam.. walang sagot sa tanong ko.. siguro may mga bagay na sadyang dadaan lang at sadyang hanggang dun lang, hindi mo sila maisasama kung saan ka man patungo.. may mga bagay din naman na dumating na sadyang nadyan para samahan ka sa paglalakbay. . madami na akong namimiss napakadami ko ng nakalimutan.. madami ng nagbago, mabilis na kasi ang alon, kung hindi ako sasabay baka maiwan ako, baka malunod..
kung ano man ako ngayon siguro dahil na rin yun sa mga nangyari sa nakaraan ko. may mga bagay din naman akong hindi kinalimutan.. may mga bagay na baon ko padin hanggang ngayon dito sakin.. yun yung mga bagay na naging dahilan kung pano ako nasaktan, kung pano ako sumaya at kung pano ako naging malakas. mga bagay na kahit magpaiwan pilit kong sinama.
natapos ang usapan namin,, pero hanggang ngayon nagiisip pa rin ako. pero wala na akong maalala.. kaya wala na rin akong maisulat dito.
iam BERNICE A LATTER DAY SAINT
I ♥ chocolates
I ♥ YOGURT
I ♥ candymix
I ♥ VINTAGE
I ♥ MCDONALDS
I ♥ MUSIC
I ♥ CUTE THINGS
I'm dainty and dirty
I party till dawn
I shoP till dusk I'M A GIRL *LuviN it*. i lurve my ♥LOUIE♥ xOo much there's so much more about me i LovEmy LoUiE*sisiw*vErY mUcH